Pusong handang dumamay at tumulong sa kapwa.<br />'Yan ang palaging bitbit sa serbisyo ng purok lider ng isang barangay sa Caloocan City.<br />Ang itinuturing niyang inspirasyon... walang iba kundi ang hinahangaang si Mel Tiangco, na marami nang natulungan sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation.<br />At sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan, ang Kapuso nating si Mel po mismo ang may handog na regalo para sa libu-libong nangangailangan.
